Tuesday, August 26, 2014

Filipino: Wika ng Pagkakaisa

          Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Ipinagdiriwang ito taon-taon. Ang tema ngayong taon ay "Filipino: wika ng pagkakaisa". Ang layunin nitong tema ay upang tangkilikin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pakikihalok sa iba't ibang aktibidades. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay, mga tula at paggawa ng poster slogan tungkol sa buwan ng wika at paggamit sa wikang tagalog.
       
          Lahat ng Filipino sa ating bansa ay dapat nilang gamitin ang wikang Filipino. Ito ay mahalaga dahil kung wala ito hindi tayo maaaring makipagusap ng maayos sa ating kapwa mga filipino.
       
          Dahil sa pagkakaroon ng pambansang wika kung saan ay bawat Pilipino ay nagiging isa sa pag-abot ng pangarap ng nakakarami. Ang paggamit ng wika ay ginagawa sa atin ng isang tunay na Filipino. Huwag kalanman ikahiya kung sino tayo.

No comments:

Post a Comment